Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Doktor, nakikiusap na ibalik sa ECQ ang NCR ng 2 linggo


Upang mabigyan ng pagkakataong makapagpahinga ang mga medical frontliner, nanawagan si Philippine College of Physicians Vice President Dr. Maricar Limpin, Biyernes (Hulyo 31), na ibalik sa enhanced community  quarantine ang National Capital Region sa loob ng dalawang linggo.


"Ang gusto natin ay magkaroon muna tayo ng breather kasi kung mapapqnsin ninyo, magmula nang nag-relax tayo ng community quarantine from ECQ to modified, doon nag-umpisa na umakyat ang dami ng nagkakaroon ng COVID-19," sabi ni Limpin sa isang panayam.

Saad pa ng doktor, naiintindihan niya na gumagawa ng paraan ang gobyerno upang matugunan ang pinansiyal na pangangailangan ng bansa sa pamamagitan ng pagbubukas ng ekonomiya. Ngunit aniya, oras na para tuldukan ang pagkalat ng virus.

"Nakakapagod na. It's time to really put a stop doon sa pag-spread ng infection. I know ang gobyerno natin nag-iisip kung papaano ang economy pero ano ang gagawin natin sa economy kung unti-unti namang nagkakasakit at namamatay ang mga Pilipino?" sabi ni Limpin.

Hanggang Agosto 15 ay isasailalim sa general community quarantine ang buong Metro Manila, Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Minglanilla at ang bayan ng Consolacion sa probinsiya ng Cebu at Zamboanga City habang nasa modified GCQ naman ang iba pang lugar sa bansa.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive