DSWD: 3.2 million beneficiaries nakatanggap na ng ayuda mula sa SAP
Nasa 3.2 milyong benepisyaryo na ang nakatanggap ng ayuda mula sa second tranche ng Social Amelioration Program (SAP), ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Huwebes (Hulyo 16).
"As of July 16, the DSWD has disbursed the emergency subsidy for 3.2 million beneficiaries with an equivalent amount of P19.4 billion," sabi ni DSWD Undersecretary Danilo Pamonag sa isang hybrid hearing ng House Committee on Good Government and Public Accountability.
"This is an additional 1.8 million beneficiaries from the 1.3 million we reported to this Congress last week," dagdag ni Pamonag.
Binanggit din ng opisyal na target ng DSWD na tapusin ang pamamahagi ng ayuda sa katapusan ng Hulyo, ngunit dahil sa mga hindi inaasahang problema, may iilang payouts na ire-release pa lamang sa Agosto.
Nahihirapan din aniya, ang ahensya na puntahan ang mga malalayong lugar dahil sa mahigpit na seguridad. Ngunit patuloy sa pakikipag-usap ang DSWD sa Philippine National Police at sa Armed Forces of the Philippines upang mapadali ang pamimigay ng ayuda.
sana po isa po aq mabigyan ng ayuda sapagkat pareho po kaming magasawa na no work no pay. at nanay q po din na senior citizen na naway mabigyan din po kahit ang nanay q na lang na c Cristita gollas sapagkat may kapatid din po aqng may mental depression kayat napakahirap sa bahagi po nmin gusto q man cla matulungan ng about nang Aking makakaya ay nawalan po kami ng trabaho lalo na pk ang mister q qng kelan naging regular ng ilang buwan lang after lockdown na pinagreport po sya ay pinagreresign na po sya kayat kaya lang hindi po sya kasama sa mga babayaran
ReplyDeleteDito samen sa brgy. unang sigaw may nabigyan na ngunit ang iba ay hindi pa meron pa po ba kaming aasahan sa ngayun, lalo nat nasa mecq na naman ang metro manila hidni kami makapag hanap buhay ng maayus
ReplyDelete