Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

DSWD: SAP 2nd tranche sa Mindanao, matatapos sa Agosto 15


Nakatakdang magtapos ang distribusyon ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP) sa Mindanao sa Agosto 15, sabi ng isang opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) matapos nitong makwestyon sa isang mambabatas.


Dahil sa labis na pagkadismaya sa mabagal na pamamahagi ng DSWD sa emergency subsidy, hindi na napigilan ni Bayan Muna Party-List Rep. Eufemia Cullamat na tanungin si DSWD Undersecretary Aimee Torrefranca-Neri sa kanilang actual timetable ng SAP payout.

“As to when we can complete it, it is safe to say that we could complete it by August 15. That’s safe to say considering nagdo-double time na po yung mga field offices natin to provide technical assistance to the LGUs in encoding SAP forms," sabi ni Neri kay Cullamat sa virtual hearing ng House Committee on Mindanao Affairs noong Martes (Hulyo 14).

Giit ni Cullamat, base sa Republic Act (RA) No.11469 o Bayanihan to Heal as One Law, dalawang buwan lang ang panahong nakasaad sa pamamahagi ng SAP cash aid ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin matapos-tapos ang distribusyon ayuda.

“May target siya na matatapos sa dalawang buwan. Kaya ako nagtanong kasi hanggang ngayon hindi pa tapos yung distribution ng ating amelioration program. Sana malinaw na kung kailan talaga matatapos yung SAP," sagot ni Cullamat kay Neri.

Paliwanag ni Neri, ang mabagal na pag-encode at pag-upload ng SAP forms ng mga local government unit sa Mindanao ang siyang nagiging dahilan kung bakit hindi rin mabilis ang pag-usad ng SAP payout sa lugar.
Share:

4 comments:

  1. I hope so as you promise to release that month.
    Godbless

    ReplyDelete
  2. DSWD ang daming naghihintay ng SAP dito sa NCR Caloocan mga waitlisted at 2nd trance kawawa na mga tao

    ReplyDelete
  3. 100% palpak ang DSWD sa pamamahagi sa SAP...

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive