OFWs na nais magnegosyo sa Pinas pwedeng umutang ng hanggang P100k sa DTI
Dahil libo-libong manggagawa ang nawalan ng trabaho dulot ng krisis, may alok na loan program ang Department of Trade and Industry (DTI), sa mga pinauwing overseas Filipino workers (OFW) sa bansa, upang tulungan ang mga ito na makabangon sa gitna ng pandemya.
Sa ilalim ng Helping the Economy Recover through OFW Enterprises Start-ups (HEROES program), naglaan ang DTI ng P100 million na budget para tulungan ang mga OFW na nais magbukas ng maliit na negosyo sa bansa.
Ayon sa ahensya, maaaring mag-apply ang lahat ng land-based at non-professional repatriated OFWs sa naturang programa.
Sa pagdedetalye ng DTI, maaaring umutang ang mga aplikante ng halagang P10,000 hanggang P100,000 na may zero interest rate. May service fee ito na 6 percent para sa 24 months payment term at 8 percent para naman sa 36 months payment term na mayroong 12 months grace period.
Sa mga inilabas na requirements ng DTI, kabilang ang accomplished loan application form, isang government I.D. na may larawan, at proof of repatriation mula sa Overseas Workers Welfare Administration.
Ayon din sa small business corporation, kailangan din mag-register ng aplikante sa Philippine Trade Training Center para sa libreng online training tungkol sa pagnenegosyo. Pagkatapos nito, ay saka magsusumite ng video business pitch na nagpapaliwanag sa kanilang business proposal.
Malaking tulong po ito kung saka sakali sa mga OFW na kagaya namin. Mabuhay po ang DTI. God bless.
ReplyDeletepaanu po maka apply ng utang dito sa DTI pandagdg s negosyo
ReplyDeletepapano pong mag apply sa DTI para negosyo
ReplyDeleteBaka po pwede din magloan ang ofw na hindi na ulit nakaalis dahil sa pandemya?
ReplyDelete