Duterte idineklarang 'year of health workers' ang taong 2020
Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang taong 2020 bilang "year of health workers" bilang pagkilala sa hindi matawarang serbisyo na ibinibigay ng mga ito sa kalagitnaan ng coronavirus pandemic.
Inutusan ni Pres. Duterte ang Department of Health (DOH), na pamahalaan ang national observance ng year of Filipino health workers, ayon sa Proclamation 976 na kaniyang pinirmahan noong Hulyo 6.
Inabisuhan din niya ang mga lokal na pamahalaan, business communities, professional organizations, at iba pang society groups ng bansa na aktibong makilahok sa DOH.
“Thousands of Filipino health workers, who comprise a major component of the nation’s labor force, selflessly and tirelessly provide essential, quality and critical care to individuals, families and groups, even in the face of great peril, fear, uncertainty and vulnerability,” ayon sa proklemasyon.
Kinausap din ng Presidente ang mga media outlets na i-promote ang mga programa at aktibidades na may kinalaman sa naturang selebrasyon.
No comments:
Post a Comment