Face mask na gawa sa tela, hindi epektibong proteksyon laban sa COVID-19
Laganap ngayon ang mga face mask na gawa sa tela bilang alternatibong proteksyon kontra sa COVID-19, ngunit ayon sa isang eksperto, hindi epektibo ang paggamit ng mga ito para maiwasan ang pagkalat ng sakit.
Base sa pag-aaral ni Kazunari Onishi, isang propesor sa St. Luke’s International University sa Tokyo, Japan, makikitang mayroong 100 percent leakage rate ang mga telang face masks. Ibig sabihin, hindi nito kayang i-filter ang mga airborne particles kung kaya mataas pa rin ang posibilidad na makahawa.
Bukod sa cloth mask, ay pinag-aralan din ni Onishi ang iba pang klase ng mask gaya ng non-woven masks, dust masks at “Abenomasks” na gawa sa gasa. Dito ay napag-alaman niya na ang mask na gawa sa tela at gasa ay may 100 percent leakage rate.
"This experiment reconfirmed that wearing cloth and gauze masks can’t prevent virus infection,” sabi ni Onishi.
Paliwanag naman niya, ang mga ganitong uri ng face mask ay kayang pigilan ang pagkalat ng droplets na galing sa pag-ubo. Dagdag niya, makatutulong din ito sa mga tao upang maiwasan ang madalas na paghawak ng ilong at bibig gamit ang kamay na kontaminado ng virus.
Thanks sa info
ReplyDelete