Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Higit 100k SAP beneficiaries nakatanggap na ng ayuda sa tulong ng financial service providers


Malugod na ipinaalam ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na mahigit 100,000 na ang nabigyan ng ayuda sa ilalim ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP), sa tulong ng mga financial service provider.


Ayon kay DSWD Undersecretary Amy Neri, noong Hulyo 5 ay nasa 101, 000 SAP beneficiaries mula sa Makati, Quezon City, at Caloocan ang nakatanggap ng cash assistance gamit ang Gcash.

Dagdag niya, sa loob lamang ng dalawang oras ay nai-abot na ang ayuda sa 23,301 benepisyaryo ng Pasig.

Sa kabilang banda, nanawagan naman si Deputy Speaker LRay Villafuerte sa ahensya, na alisin na lamang ang bar codes sa SAP form dahil nagiging dahilan ito sa pagka-delay sa validation ng listahan ng mga benepisyaryo.

Sambit ni Villafuerte, wala namang silbi ang mga inilalagay na bar codes ng DSWD at nakapagpapatagal lamang ng proseso.
Share:

7 comments:

  1. Sir bkt po sa dagatdagatan kaloccan dto smin wla pa bnbgay

    ReplyDelete
  2. Tska po nki g cash lng po ko ok lng po ba un kc wla ko g cash

    ReplyDelete
  3. Tska po nki g cash lng po ko ok lng po ba un kc wla ko g cash

    ReplyDelete
  4. dito din sa madilay dilay tanay rizal wala pa din at ang sabe di naman daw lahat ng nakakuha ng una eh makakakuha pa din sa pangalawa hays😔

    ReplyDelete
  5. Jones A. Bolodo nasan na 2nd trance sap ng dswd?

    ReplyDelete
  6. Ask ko lng po Kung kelan ipamahagi Ang 3rd tranche

    ReplyDelete
  7. Pano nmn po ung mga d nbgyn ng form ng sap sana mbgyn dn kmi khit s third tranche

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive