Higit 33k COVID-19 cases hindi naka-admit sa ospital, ayon sa datos ng DOH
Lampas sa 33,000 ang bilang ng mga aktibong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), na hindi naka-admit sa mga ospital, base sa datos ng Department of Health, Miyerkules (Hulyo 15).
Ayon sa ulat ng "24 Oras" noong Huwebes (Hulyo 16), makikita sa datos ng DOH noong Hulyo 15, na nasa 33,786 COVID-19 cases ang nananatiling nasa labas ng ospital. Ito ay katumbas ng 93 porsyento ng mga aktibong kaso ng sakit sa bansa.
Nakatala rin sa datos ng ahensya na 31,090 o 92 percent ng mga active
cases ang maituturing na mild, 2,551 ang asymptomatic, habang 2,184 naman ang naka-confine sa hospital.
Una ng inanunsyo ng gobyerno na magsasagawa ito ng house-to-house seach sa mga mild at asymptomatic carriers ng COVID-19 at saka sila ililipat at gagamutin sa mga facilities sa tulong programang "Oplan Kalinga."
Nilinaw naman ni Interior Secretary Eduardo Año na mga health officials at hindi pulis ang mangunguna sa nasabing operasyon.
No comments:
Post a Comment