Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

'Hindi puwede' sagot ni Duque kay Pres. Duterte kung posible ba ang mass testing sa bansa


Negatibo ang naging sagot ni Health Secretary Francisco Duque III sa tanong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang pagpupulong kasama ang iba pang mga opisyal noong Lunes (Hulyo 20), kung kakayanin bang magkaroon ng mass testing sa bansa.


"Do we have the capacity to do the testing for all every citizen in this country?" tanong ng Pangulo.

Sumagot naman si Duque at sinabing hindi maaaring i-test para sa COVID-19 ang bawat mamamayan at wala ring bansa sa mundo ang nakagagawa nito.

"Hindi naman po natin puwedeng i-test ang bawat mamamayan, wala naman pong bansa na nakakagawa nito, kahit na po ang pinakamayaman katulad ng United States of America," saad ni Duque.

Ayon pa sa kaniya, 9 percent na ng populasyon ng US ang sumailalim sa test, at lalampasan ito ng Pilipinas dahil aniya 10 percent ng kabuuang bilang ng mga Pilipino ang mate-test pagdating ng 2021.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive