Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Jeepney drivers nagprotesta; nananawagan ng tulong sa DSWD


Laksa-laksang jeepney drivers mula sa iba't-ibang organisasyon ang nagtipon  sa harap ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) office sa Quezon City, Huwebes (Hulyo 23), upang humingi ng sapat na tulong para sa kanila na apektado ng ipinatupad na general community quarantine sa bansa.


Daing ng mga driver, karamihan sa kanila ay hindi man lang nakatanggap ng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP) ng gobyerno, magbuhat noong magsimula ang lockdown noong Marso.

“Ang hindi po natin maintindihan ay kung bakit tinanggalan na nga kami ng pasada, pinagkakaitan pa kami ng ayuda," giit ni Ruben Baylon, secretary-general ng Piston, isang transport group na pinangungunahan ng mga jeepney driver.

Bukod sa hinihinging tulong pinansyal ng mga nagprotesta, pangunahing panawagan ng mga ito ay payagan ang muling pagbyahe ng mga jeep sa lahat ng ruta at huwag ng ituloy ang planong i-phase out ang mga lumang jeep sa bansa.

“Panahon na upang singilin si Duterte sa kanyang kapabayaan sa drayber, opereytor at mamamayan. Magkaisa tayong lahat at sigurado ang ating tagumpay," saad ni Baylon.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive