'Junk foods' lalagyan na ng tax para magkapondo ang Pilipinas
Dahil hindi na malaman ng gobyerno kung saan pa kukuha ng pera ang bansa para matulungan ang mga labis na naapektuhan ng pandemya, binabalak ngayon ng ilang mga senador na patawan na rin ng tax ang mga junk food.
Ang paniningil ng buwis mula sa mga pagkaing ito ay isa sa mga naisip na paraan ng mga politiko upang makabangon at madagdagan ang COVID-19 fund ng bansa.
Ngunit, ayon sa mga senador, kailangang pag-aralang mabuti ang pagpataw ng tax sa mga produktong hindi naman talaga nagbabayad ng buwis.
“The other possible sin tax that government may possibly look at is from junk food, which has zero nutritional value and targets the youth. It has been proven that junk food causes obesity and other heart ailments,” sabi ni Sen. Sherwin Gatchalian, vice chairman of the Senate committee on economic affairs.
Babala naman ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto, ang pagtataas at pagpapataw ng buwis ay hindi magandang ideya sa ngayon, ngunit maaari naman itong maisapatupad sa mga susunod ng buwan.
No comments:
Post a Comment