Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Kapitan, sinampal ng tsinelas ang 2 menor de edad na lumabag sa curfew


Pinagsasampal umano ng isang barangay chairman sa San Pablo City sa Laguna ang dalawang binatilyo — kapwa 15 anyos — dahil sa paglabag sa quarantine protocols na kasalukuyang ipinapairal sa buong bansa.


Base sa ulat, nahuli ng kapitan ang dalawang menor de edad na walang suot na facemask habang nasa labas ng bahay bandang alas-siete ng gabi. Dahil dito, paulit-ulit na sinampal ng opisyal ang dalawa gamit ang tsinelas.

Sumbong pa ng mga biktima, hindi lang sampal at latay ang natamo nila mula sa malupit na kapitan na nakainom din umano. Pinagbantaan pa ang kanilang buhay at saka ipinadala sa presinto, bagama't kalaunan ay pinauwi rin.

Kinilala ang kapitan bilang si Abner Dionglay mula sa Barangay San Crispin. Pormal na siyang sinampahan ng kaso ngunit hanggang ngayon ay tikom pa rin ang kaniyang bibig sa naturang isyu.

"Alam ko naman na nagkamali ang aking anak dahil may curfew pero yung ginagawa niya pong pamamaraan na pananampiga pananampiga na gamit ang tsinelas niya hindi na po 'yon tama. Dapat sana dinisiplina niya ng maayos ang bata," pahayag ng ina ng isa sa mga binatilyo.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive