Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Kim Chiu, nag-donate ng 1,500 food packs at P300k para sa mass testing


Nang dahil sa "Bawal Lumabas" merchandise, nakapag-donate ang aktres na si Kim Chiu ng 1,500 food packs sa mga pamilyang higit na naapektuhan ng coronavirus pandemic at P300,000 naman para sa fundraising na itinatag para sa mass testing.


“Thank you po sa lahat ng [sumuporta] sa #bawallumabasmerch we were able to give food package sa 1,500 families and 300 thousand pesos for mass testing donated to shop and share!” sabi ni Chiu sa kaniyang Instagram post.

Ang "Shop and Share" na tinutukoy ng aktres ay ang fundraising project nina Anne Curtis at Angel Locsin, na layong makatulong sa mga Pilipino na walang kakayahang magpa-test para sa COVID-19.

"Sobrang laki ng tulong, as in nawindang kami talaga nung nalaman namin kung magkano yung ido-donate mo, kaya maraming salamat, marami kang matutulungan,” sabi ni Curtis kay Chiu.

Kamakailan lamang ay nag-viral si Chiu at umani ng samu't-saring kritisismo sa social media dahil sa kanyang "bawal lumabas" o "classroom law" na pahayag. Ngunit hindi nagpatinag ang aktres at ginawan pa niya ito ng kanta at sariling merchandise.
Share:

1 comment:

  1. hi idol sana po matulungan nyo ako sana isa ako sa mabigyan nyo ng ayuda pra po sa mga anak ko maliit pa po pang gatas at daiper po from bulacan del montepo 09974482214 housewife lng po ako idol

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive