Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

'Kulang-kulang 1% lang ng LGUs ang may maayos na contact tracing': Baguio City Mayor


Ipinahayag ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, Huwebes (Hulyo 30), na kailangan palakasin ang kaalaman ng mga personnel, at dagdagan ang mga analyst at technical support nang sa gayon ay magkaroon ng magandang sistema ang contact tracing ng Pilipinas para sa COVID-19.


Ayon kay Magalong, sa 1,900 local government units sa bansa na pinadalhan ng online diagnostic questionnaire, 600 lamang ang tumugon at kulang-kulang 1 porsyente lang ng mga ito ang masasabing may maiging contact tracing system.

"Based on the 600 response and yung data na na-gather namin, around .68 lang po talaga ang may maayos na contact tracing," saad ni Magalong sa isang panayam.

Dagdag pa niya, masyadong natuon ang atensyon ng mga LGUs sa pagpaparami ng bilang ng kanilang contact tracers, makapag-comply lamang sa utos ng national government.

"Kailangang i-analyze ang data, kaya naglagay tayo ng mga analyst, naglagay tayo ng technical support. Kailangang ng data encoder para matapos yung ating interviewers, yung contact tracers na tinatawag natin. Kailangang i-capacitate. Dapat pag-aralan din nila yung cognitive interviewing skill,”  sabi ng Alkalde na naniniwalang dapat ay sumailalim sa training ang mga contact tracers.

Si Magalong ay isa sa mga lokal na opisyal ng bansa na pinuri sa maagap na pagresponde sa krisis gaya ng pagpapatupad ng epektibong contact tracing sa lugar ng Baguio.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive