La Salle, gagawing kurso ang Mobile Legend pamalit sa PE classes
Mag-aalok ang De La Salle University ng e-sports bilang pamalit sa physical education, na kung saan anila ay matututunan ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng teamwork.
Sa bagong kurso na ito, ay pagtutuunan ng pansin ng institusyon ang mga mobile multiplayer online battle arena, gaya ng Mobile Legends na kinahuhumalingan ngayon ng mga kabataan.
Ayon sa DLSU, sa pamamagitan ng e-sports ay mahahasa ang ilan sa mga katangian ng mga mag-aaral gaya ng disiplina sa sarili at integridad.
“This course focuses on a Multiplayer Online Battle Arena (MOBA) combined with physical exercise. Students will learn to practice soft skills such as interpersonal communication, cooperation, integrity, self-discipline, teamwork, leadership, and problem-solving skills," ayon sa course description na inilabas ng DLSU.
Sa kabilang banda, hindi pa malinaw kung ano ang magiging instruction at grading system ng institusyon dahil kabubukas pa lamang ng klase ngayon linggo.
No comments:
Post a Comment