Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Lampas 600,000 trabaho bubuksan sa online job fair sa Septyembre


Sa tulong ng iba't-ibang kompanya, mahigit 600,000 na trabaho ang bubuksan sa online job fair na ilulunsad ng Civil Service Commission mula Setyembre 14 hanggang 18.


Dahil nga online, lahat ay maaaring makapag-apply kahit nasa bahay lamang at 
hindi rin kailangan ang civil service eligibility.

"Walang babayaran ang agencies that will enroll and the jobseekers who will apply," sabi ni CSC Commissioner Aileen Lizada.

Sa ngayon, ay patuloy pa ring hinihikayat ng CSC ang iba pang government agencies na ipagbigay alam  ang kanilang job agencies at makilahok hanggang Agosto 14.

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority nito lamang Hunyo, aabot sa 7.3 milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho dulot ng umiiral na pandemya kung kaya malaking oportunidad sa lahat ang gagawing online job fair.
Share:

4 comments:

  1. ask ko lang po, ano po kaya ang trabahong ihihire nila, sana yung may working student?

    ReplyDelete
  2. Ask kulang paano makahanap tayo tarbaho ma abroad man o local lang isa akong driver willing ako mag apply maypassport narin..thanks

    ReplyDelete
  3. Gusto ko dn po mag apply hs graduate po ako

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive