Libreng drive-thru Covid 19 testing inilunsad sa Maynila
Pormal ng binuksan ng Manila City Government ang libreng drive-thru testing center para sa Coronavirus disease 2019 (Covid-19), bilang bahagi ng malawakang testing ng lungsod sa mga residente nito.
Dinaluhan mismo ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang formal launching na ginanap sa Kartilya ng Katipunan sa
tabi na City Hall.
“This is part of our continuing massive testing, including every driving Manileño,” sabi ni Domagoso pagkatapos ng launching ng testing facility na magsasawa ng libreng test mula 10 a.m. hanggang 5 p.m.
Ayon kay Domagoso, kailangan mag-fill up ng information sheet ang mga magpapa-test upang maipaalam sa kanila ang resulta sa loob ng 24 oras.
Maglalagay ang city government ng Maynila ng tatlong serology testing machines sa lungsod. Tulad ng rapid antibody test, gumagamit din ito ng blood samples upang ma-detect ang virus.
No comments:
Post a Comment