Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Lolo na namatay noong May 30, nakatanggap pa ng COVID-19 recovery certificate noong July 3


Nakatanggap ng recovery certificate noong Hulyo 3 ang isang lolo na kumpirmadong positibo sa COVID-19,  ito ay kahit pa sumakabilang buhay na ang matanda noon pang Hunyo 30.


Ayon sa report ni Ian Cruz sa "24 Oras," masakit para sa mga ka-anak ng matanda ang natanggap na dokumento kamakailan.

"Naiintidihan naman namin na mahirap talaga yung trabaho nila pero sana hindi na ito mangyari uli. Sana magbigay ito ng leksyon sa knila na mahirap tanggapin sa iba ang nagawa nila at sana hindi ito mangyari sa iba," sabi ni Dorothy, isa sa mga apo ni Lolo Fructoso Mabatid.

Nito lamang Lunes (Hulyo 13), ay humingi naman ng paumanhin ang Cebu City health department sa pamilya ng matanda. Sa isang pahayag, sinabi pa ni Cebu City health officer Dr. Daisy Villas na inaako niya ang responsibilidad sa nangyari.

“It is with deep regrets that this unfortunate incident happened during these challenging times. We humbly apologize and sympathize with the family,” sabi ni Villas.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive