Mababawasan sana ang mga nagugutom kung hindi delay ang SAP: Gatchalian
Nagpahayag ng pagkadismaya sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang senador na si Sherwin Gatchalian dahil sa mabagal na distribusyon ng ayuda para sa mga mahihirap na pamilya sa Pilipinas.
Sa isang virtual interview kasama ang mga reporter, tahasang sinabi ni Gatchalian na maiiwasan sana ang 5.2 milyong bilang ng mga nagugutom sa bansa kung mabilis at maayos lamang ang pamamahagi ng DSWD sa ayudang mula sa second tranche ng Social Amelioration Program (SAP).
"Isa sa mga underperforming agencies ay itong DSWD dahil ang bola nasa kamay na nila pagdating sa pag-e-execute nitong SAP at hanggang ngayon wala pa rin [ang second tranche]," sabi ni Gatchalian.
Pagbibigay diin pa ng Senador, maituturing na "mortal sin" ang mabagal na aksyon ng ahensya. Aniya, hindi pwedeng gawing palusot muli ng DSWD ang mga problemang kinaharap na noong unang tranche ng SAP.
"'Yung unang SAP, puwede pa natin patawarin na mabagal, magulo, ang database hindi maayos but we've already learned from that first SAP. Nasa second SAP na tayo, hindi mo na puwedeng gamitin [palusot] na magulo, si mayor pa rin, it's really execution," saad ni Gatchalian.
Noong nakaraan, una ng nangako ang DSWD na tatapusin nila ang SAP payout hanggang sa katapusan ng Hulyo kahit pa napaso na noong Hunyo 24 ang Bayanihan to Heal as One Act na nagsasaad na dapat na tumanggap ng ayuda sa loob ng dalawang buwan ang mga pamilyang labis na naapektuhan ng pandemya.
Sana nga po maipamigay n ang sap wag nyo n sana patagalin mdmi n ang ngugutom makonsensya nman po sana kyo.
ReplyDeleteSana wag lang po puro salita .sobrang dmi na ang tao nag aantay ng ayuda po baka po pwede ipamigay u nlng
ReplyDeleteSna.....nga..hndi na po mgtagal....kc sobrang dami n ng taong.....nhhrapan....dahil...sa virus n kumakalat parin gang ngaun.....ay isa n dn aqo sa nhhrapan....kailan pa kya dadating ang second wave...pag,marami ng namatay sa gutom
ReplyDeleteSana nman po senator Sherwin gatchalian eh maibigay na yan at huli pa po ko nakatngap ng first tranche eh nuon may.5 pa po at 3 buwan na po ipinagaantay ko. Code pa lang po natatangap k sa GCASH nuon July.14 at tambak na po din bayaren sa ilaw at tubig.may obligasyon dn po ako kelangan tugonan.Mauna pa ang online na klase ng anak ko eh isa pa po yan na kelangan ko matustosan.Salamat po and God bless po sa inyo.ingat po kayo senator.
ReplyDeleteSana ibigay nyo na maAwa na kayo.
ReplyDeleteSana PO kming mga waitlisted dto sa baranggay 178 makakuha n PO ndi PO nmin Alam Kung kmi b ay pasok n makakuha NG ayuda para sa second tranched lima PO mga anak ko,nangungupahan p PO kmi,,ndi nmin Alam Kung mkkuha PO kmi KC wla nman PO sila pinapakita n list sa mga waitlisted.
ReplyDeleteSana po maipamahagi na yan kawawa naman po kaming mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya na yan lalo na po ako buntis po ako bago magpandemya hanggang sa naabutan na ng lockdown kaya yung ipon ko sa trabaho ko nagastos kuna sa pamilya ko dahil sa wala na po akong trabaho kaya sana po maipamahagi nuo na po yan Taga dito po ako sa Valenzuela City waitlisted po ako at wala pa po akong natatanggap na ayuda kahit sa trabaho ko wala po hangang sa hanggang sa nanakaw ang cellphone ko na nakaregister sa SAP FORM ko po kaya hindi ko alam kong aasa pa po ba ako jan dahil hnd na po face to face ang bigayan kundi digital na po paano ko po ba mai-uupdate ang contact number ko sa dswd eh buntis po ako ngayon bawal aqng lumabas sana namn po may magandang puso na tumulong sa problema ko ayuda nalang po ang inaasahan ko Maraming Salamat Po.
ReplyDeleteMarami p pong hnd nakakakuha sa Caloocan, ung mga nagdoble nakakuha p ulit samantala kmi gang ngaun wla pdnðŸ˜ðŸ˜
ReplyDeletetinanggal na ang region 1 n2 sa sap pero bkit ganag ngyn marami pa rin mahihirap na d nakakakuha at pinili lng bngyan nila hawak nila ang pondo dpat ipamahagi nila ng maaus at d nila gawen tanga ang mga tao nangangailangan ginawang digital payments pero mas marami ang nde nakakuha bka abutin na ong ng 2021 dpa na bigay ang 2nd tranch dswd corrupt bka binulsa na nila yan paasa........asan ang hustisya!!!! marami ng nagugutom wala kau awa
ReplyDeleteAko di nakakuha ng sap sa makati di daw kami pwede kasi wala daw kami dun ....ee umuwi naman ang asawa ko sa lugar namin sa makati di naman kami pinagbigayn
ReplyDeleteSir d ako nkapirma ng form paano po mag applay ng SAP single Father po ako isa lng ang anak k,trabaho k s Canteen dishwasher...
ReplyDeleteSir Hindi ako nakatanggap ng ayuda wala along trabaho maawa po kayo sir
DeleteSir Hindi ako nakatanggap ng ayuda wala along trabaho maawa po kayo sir
DeleteSwerte kayong nabibigyan yong asawa ko wala kahit sa pangalawa nakakasama lang ng loob na yong mga kapitbahay nabibigyan sa una at pangalawa may mga sariling bahay kami wala man lang unfair diba..
ReplyDeleteSana nga maipamahagi na nila ang 2nd wave dahil marami ng apektado at hindi pa pwede ang iba na makabalik ng trabaho tulad ko na nawalan ng trabaho at hindi pa maaari magbukas ang company namin dahil sa crisis na kinakaharap natin ngayon maaga naman po sana kayo sa amin mga taga DSWD wag nyo na po patagalin maraming mamamayan ang umaasa jan at nag'antay upang kahit papano po ay matugunan ang pagkain sa araw-araw at mabawasan man lang din sana ang mga bayarin.
ReplyDeleteMaawa naman po kayo samin
ReplyDeleteDito sa amin maraming pulobe di nakatanggap ng SAP. Sa halip, maraming mayaman ang nakatanggap. Kapabayaan ito sa MUNICIPAL DSWD sa aming BAYAN dito sa CARMEN, BOHOL.
ReplyDeleteDito sa amin maraming pulobe di nakatanggap ng SAP. Sa halip, maraming mayaman ang nakatanggap. Kapabayaan ito sa MUNICIPAL DSWD sa aming BAYAN dito sa CARMEN, BOHOL.
ReplyDeleteDSWD, imbestigahan dapat sa Senado. Kung sinunod nila na ihouse to house ang pagbibigay, wala sanang problema.
ReplyDeleteValenzuela city nganga pa din iba meron na haist
ReplyDeleteJan 2 2021 na wla pa rin 2nd sap..
ReplyDeleteKami hindi
DeleteSir. Sherwin Senator, ang nakakasama ppo sa aming kalooban kami pang apiktado na nawalan ng kita bilang namamasukan sa Beauty Parlor hanggang ngayon wala parin po sa nasa post detail ng Brgy. Dalig, Antipolo City pero may kilala akong napakayaman sya pa ang nasalistahan ng brgy. Post na nabiyayaan( Carmen F. Abisinia) bakit kung sino pa mayaman at marami ppong iba na may kapit sa nasa brgy. Ang nasa listahan na nabibiyayaan, salamat po.
ReplyDeleteAKO NGA SIR SHERWIN HINDI NA BIGYAN KAHIT ISA SA SAP. WALA SA EMERGENCY SUBSEDY WALA RIN. TAGA CAGAYAN DE ORO PO AKO. NATAPOS NALANG ANG PAMIMIGAY WALA RIN ANG PANGALAN KO.
ReplyDeleteSenador Sana matulongan nyo din po aq..aq PO c cherry Michelle Canchico..nspahamak dahil sa sap...Napa a anak po aq Ng di oras dahil pinapunta nila aqsa barangay sa Quezon City tapos Wala Naman pong nangyari...Pina uwi nila aq Kasi tawagan nlng po daw aq Sabi Ng dswd e my form nmn PO Aq
ReplyDelete