Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Mambabatas nais ipasa ang 'virtual' wedding ceremony sa bansa


Nais na maisabatas ngayon sa Pilipinas ang "virtual" wedding ceremony sa ilalim ng House Bill 7042 na gagamit ng video, audio, at data transmission devices  upang maituloy ang mga kasal na nakansela dulot ng coronavirus pandemic.


Ayon kay Kabayan party-list Representative Ron Salo, na siyang naghain ng bill, marami sa mga Pilipino ang ang napilitang ipagpaliban ang kanilang kasal dahil sa ipinagbabawal hanggang ngayon ang mass gatherings. 

Sa ilalim ng kaniyang proposal, ang ikakasal na babae at lalaki ay kailangang magkasama sa iisang lokasyon. Maaari ring isagawa ng isang pari o religious leader ng kani-kanilang relihiyon ang virtual wedding.

Marami naman sa sambayanang Pilipino ang hindi pabor sa isinusulong na batas dahil nagmistula raw laro ang pagpapakasal na dapat sana ay isang sagradong okasyon.

"Parang ginagawa laro ang kasal. Dapat sa simbahan ang kasal. Hindi [kung] saan-saan ginagawa. Forever 'yan. 'Pag kinasal na, wala ng hiwalayan yan dapat. Kaya sa simbahan lang yan ginagawa," komento ng isang facebook user.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive