Medical frontliners pagod na sa 'lumalalang' kaso ng COVID-19 sa Pilipinas
Bagama't ilan sa mga kawani ng gobyerno ang nagsasabing bumubuti na ang sitwasyon ng Pilipinas sa gitna ng pandemya, maraming mga doktor ang dumadaing na sa anila'y mas lumalalang krisis sa bansa.
Ayon kay Dr. Monica Reyes-Montecillo, isang infectious disease specialist at Dr. John Besa ng Philippine General Hospital, pagod na ang mga medical frontliner sa dami ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
"We are seeing more severe cases. The reality is lahat ng tao sa front lines pagod na,” sabi ni Dr. Montecillo.
“‘Yung mga sinasabi sa news na numbers, technically ‘yung iba do’n totoo pero you can’t handpick the data and make it appear na okay tayo,” saad naman ni Dr. Besa.
Dahil dito, umaapela ngayon ang mga healthcare worker ng mas pinaigting na contact tracing effort at dagdag na pasilidad para sa COVID-19 sa bansa.
Sa ngayon, 52.3 percent na ng mga COVID-19 facilities ang nagagamit, ibig sabihin nasa "warning zone" na at malapit ng bumigay ang health system ng bansa, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Martes (Hulyo 28).
No comments:
Post a Comment