OFW sa Saudi na tinamaan ng COVID-19 humihingi ng tulong
Humihingi ng tulong si Baltazar Cantiller, isang overseas Filipino worker (OFW) na isa na ring coronavirus disease 2019 (COVID-19) patient sa Riyadh, Saudi Arabia dahil gipit na gipit na siya sa ngayon.
"Literally, I am a COVID-19 patient right now … Kahit isang kusing wala ako, kahit isang kusing, wala," sinabi ni Cantiller sa ABS-CBN News.
Nagpositibo si Cantiller noong unang linggo ng Hunyo sa naturang sakit. Nasa Bahay Kalinga ng Philippine Overseas Labor Office ng Philippine Embassy ngayon ito at kasalukuyang nagpapagaling at naghahanda upang makapag-donate ng antibodies sa ospital.
“I was able to sign a document na kung sakali na I am ready to donate antibodies," ani Cantiller.
Si Cantiller ay dating telephone at computer operator na nakulong ng 43 araw sa bintang na pagnanakaw noong Mayo 2018 ng kanyang Egyptian supervisor sa pinagtatrabahuhan nitong kumpanya.
No comments:
Post a Comment