Pabayang magulang sa Maynila, ipakukulong na ni Mayor Isko Moreno
Dahil sa dami ng mga menor de edad na pakalat kalat sa siyudad ng Maynila kahit pa may curfew, ipinag-utos ni City Mayor Isko Moreno na ikulong na ang mga iresponsable at pabayang magulang.
“Let’s start jailing irresponsible parents. I don’t mind kung mapuno ang ating mga kulungan ng mga pabayang magulang dahil sa paglabag sa Ordinance No. 8243,” sabi ni Moreno sa isang Facebook post.
Ayon sa kaniya, nito lamang nakaraan ay mahigit 10,000 residente ng Maynila, karamihan ay menor de edad, ang inaresto dahil sa paglabag sa strict health protocols na ipinaiiral sa siyudad gaya ng pagsusuot ng facemask sa pampublikong lugar at curfew.
Aabot din sa 1,028 na street dwellers ang na-rescue, na aniya ay pinabayaan ng mga magulang at nag-positibo rin sa COVID-19.
Dahil dito, inutusan na rin niya ang Manila Police District at ang city’s social welfare department, na simulan na ang paghahain ng kaso laban sa mga iresponsableng magulang.
No comments:
Post a Comment