Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Pagbebenta ng FDA-approved rapid test kits sa mga botika, pinayagan ng DOH


Pinahihintulutan na ng Department of Health (DOH) ang pagbebenta ng mga COVID-19 rapid antibody test kit sa botika,  basta aprubado ang mga ito sa Philippine Food and Drug Administration (FDA).


"Itong pagbebenta ng rapid anti-body tests sa drug stores ito ay hindi naman ipinagbabawal, ngunit kailangan po rehistrado ng FDA 'yung ating ibinibenta diyan," pagpapaalam ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa  Laging Handa public briefing.

Ayon kay Vergeire, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagbebenta, lalo na sa online, ng mga rapid test na walang approval mula sa FDA. 

"Kapag po nakita and nagkaroon ng ebidensiya na talagang hindi rehistrado ang ibinibenta nila, may mga kaukulang sanctions po 'yan ayon sa ating batas," babala ni Vergeire.

Noong Biyernes (Hulyo 10), sinabi ng FDA na sa ngayon ay 204 test kits na ang nabibigyan ng approval. Kabilang dito ang 71 polymerase chain reaction (PCR)-based test kits, 77 rapid antibody test kits, 51 immunoassay test kits, at lima pang uri ng test kits.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive