Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Pagbubukas ng klase tuloy pa rin sa Agosto 24: Palasyo


Tuloy pa rin ang pagbubukas ng klase sa Agosto 24, ayon sa MalacaƱang, Lunes (Hulyo 20), kahit pa nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagbibigay ng permiso sa kaniya upang palitan ang petsa ng pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral ngayong may pandemya.


Sinabi na Presidential spokesperson Harry Roque, na mapapalitan lamang ang  napag-desisyunang petsa para sa balik-eskwela kung ire-rekomenda ng Department of Education sa Presidente.

“Ang desisyon po ngayon ay August 24. Unless magkakaroon po ng bagong rekomendasyon ang ating Secretary of Education, baka hindi po mabago ‘yung school opening,” ayon kay Roque sa isang televised briefing.

“This certainly gives flexibility to the Executive department kung sa tingin nila mas kinakailangan pa ng mas mahabang panahon bago tayo bumalik sa eskwelahan,” dagdag pa niya.

Noon lamang Hulyo 17, ay nilagdaan na ni Pres. Duterte ang Republic Act 11480, na nagbibigay ng kapangayarihan sa kaniya upang magtalaga ng petsa para sa school opening ng buong Pilipinas o ilang lugar sa bansa sa panahon ng kalamidad o krisis.
Share:

4 comments:

  1. maawa nmn po kyo sa amin... wala n nga pong ayuda natanggap wala na din trabaho wala kaming pambili ng gadget para gagamitin ng mga bata

    ReplyDelete
  2. Ung Asawa ko po ay nakakuha ng unang ayuda sa SAp ngayon ikalawang SAp ay wala pa sa bargy namin sya nakakuha pano uli sya makakakuha ng pangalawa

    ReplyDelete
  3. https://vjuvida.wixsite.com/super10

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive