Photo from inquirer |
Dumadaing ngayon ang mga residente sa isang baranggay sa Quezon City matapos makatanggap ng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP), nang mas maliit kaysa sa inaasahang halaga.
Kwento ng mga nakatanggap ng bawas na ayuda, sinabihan daw sila ng isang kagawad na paghati-hatian nalang ang cash aid na ibibigay sa kanila. Kung kaya sa halip na P8,000, ay P2,000 na lamang ang natanggap na tulong pinansiyal ng bawat isa.
Inutusan pa umano sila ng opisyal na sa gagawing interview ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sabihin na lamang na buong halaga ng ayuda ang natanggap nila. Dahil sa takot na maging bato pa ang dapat sanang pera na makukuha nila, ay sumang-ayon na lamang ang mga residente sa kondisyon ng kagawad.
"Noong nagtanong kami kung bakit hati-hati, kasi malinaw naman sa balita na ang bawat pamilya ay makakakuha ng 8,000 pesos, ang sagot naman nila sa amin huwag daw kami maniwala sa balita, fake news daw po 'yun. Kung titingnan daw po ng DSWD 'yung lugar namin sasabihin hindi kami qualified," sabi ni Emelyn Lopez at Cherrylyn Suarez, dalawa sa mga nakatanggap ng hating ayuda.
Sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte, nakasaad na P5,000 hanggang P8,000 ang matatanggap na ayuda ng mga kwalipikadong pamilya sa loob ng dalawang buwan.
Dapat kinukulong Ang mga ganian na kagawad Ng brgy para Hindi pamarisan Ng iba bang NASA brgy
ReplyDeleteKaya pala hangagng ngayon wala padin ako naka tangap ng ayoda cmula 1st wave gang 2nd wave. Na pambili ko sana ng gamot sa kapatid kung special child. Dahil sa mga mag nanakaw sa brgy,, my kalahating form naman ako
ReplyDeleteMA.sthifane Catalan MONDIGO po taqa PAYATAS Quezon city..wala po natatanqqap n ayuda Simula p po nq 1ayuda..bka na corrupt n din po nq baranqqay official yunq para samen..patulonq nmn po #dswd Sana po makita ko yunq masterlist nmn..Sana po makakuha kme nq ayuda construction worker lanq po trabaho nq asawa ko..maraming salamat po.
ReplyDeleteNever naulit n nka tanggap po ako jang ayuda mula augos19 2021 4k po wla n sumunod kht uct po wla di nbgy
ReplyDeleteAugo19 2021 lang nka tanggap mula s 4psnever napo nsundan lagi pa kulang n pipindot k uct di rin po nbgy
ReplyDelete