Home »
NEWS
» Pamilya ng jeepney driver, piniling manirahan sa jeep matapos palayasin sa inuupahang bahay
Pamilya ng jeepney driver, piniling manirahan sa jeep matapos palayasin sa inuupahang bahay
Matapos palayasin sa inuupahang bahay sa Sta. Cruz, Manila, napilitang manirahan ang tsuper na si Jordan Salazar at ang kaniyang pamilya sa loob ng minamanehong jeep.
Isa lang si Jordan sa mga jeepney driver na nawalan ng pagkakakitaan dahil sa binawalan ang mga ito na pumasada magbuhat noong ipatupad ang community quarantine sa bansa.
Sa larawang kuha ni Danny Pata ng GMA News, makikita si Jordan at ang kaniyang asawa na nakikipaglaro sa kanilang mga anak sa jeep na ginawa nilang tirahan.
Kamakailan, ay naglabas na ng guidelines ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga jeep na papayagang magbalik operasyon sa mga lugar sa Manila na nasa ilalim na ng general community quarantine (GCQ).
Bago ang pagbabalik pasada, bibigyan ang mga operator ng QR code na kailangan i-pa-print at ipaskil sa kanilang jeep, ayon sa LTFRB.
No comments:
Post a Comment