Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Pangulong Duterte, ayaw patakbuhin si Sara Duterte bilang Presidente


Sinabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang anak na si Sara Duterte, kasalukuyang mayor ng Davao City, na huwag na lamang tumakbo bilang Presidente sa susunod na halalan.


Sa kaniyang talumpati sa Sulu noong Lunes (Hulyo 13), tahasang binanggit ng Pangulo na ang pagtakbo bilang presidente ng isang bansa ay hindi dapat ginagawa para lamang sa ambisyon.

"Huwag kang mag-presidente unless you see something na kaya mo para gawin sa bayan. For just a matter of ambition? Lay off. Wala ka talagang makukuha diyan, pagod lang," aniya.

"Trabaho ka diyan (presidency), wala kang makuha. Unless gusto mong mamera, ah kaya," dagdag pa niya.

Kumakalat ngayon ang balita na posibleng tumakbo si Sara sa presidential election sa 2022, kahit pa una na niyang itinanggi na wala siyang intensyong maluklok sa pinakamataas na posisyon sa bansa.

Paglilinaw naman ni presidential spokesperson Harry Roque, Martes (Hulyo 14), na nais lamang ipabatid ng Pangulo na isang "thankless job" ang pagiging presidente.

“Ayaw niya na ganyan 'yung buhay ng kanyang anak. He is saying it’s the most thankless job in the country and he has said that consistently,” sabi ni Roque.
Share:

2 comments:

  1. Kung tatakbo su Sarah, ilalampaso xa ng KALABAN sino man ang kalaban....

    ReplyDelete
  2. i love Sara Du30 kanya kanyang paniwala at adhekain ang pggegeng presidente kaya nkita namen kng paano mag serbisyo ang tatay digog itutuloy ng kanyang anak ang nacimulan nya lalo n ang gasolina s jolo solo at s palawan sucesful para s lahat n mamamyang pilipino para simula n ng pgyaman ng pinas saludo ako s inyo ..go go go inday Sara DU30 God bless us keepsafe everyone ...kng bad coment kayo manahemik nlng kayo db.... kc gusto koren n maayos n ang daaan s amin kaya suportado ako at familya ko ky inday Sara i love you

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive