Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

PNP huhulihin na ang mga lalabas na walang suot na mask


Mas magiging mahigpit na ang Philippine National Police (PNP), sa pagpapatupad ng quarantine protocols sa bansa, maging sa mga indibidwal na lalabas ng kanilang tahanan na walang suot na mask.


Ayon sa isang text message na ipinadala ni PNP deputy chief for operations Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang naturang hakbang ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na siguraduhing maipatutupad ang lahat ng COVID-19 protocols sa bansa.

"So we will have to ask our police to be more strict. So hulihin talaga. A little shame would put them on notice forever. Sino ba namang gustong mahuli ka. But if you are brought to the police station and detained there, that would give you a lesson for all time,” saad ng Pangulo.

Banta niya, ang sinumang opisyal na hindi susunod sa direktiba ng national government ay maaaring suspendihin o i-terminate sa kanilang tungkulin.

Bilang konsiderasyon naman sa mga walang pambiling mask, nangako ang Pangulo na susubukan nitong bumili at mamigay ng libre upang may maisuot ang mga ito sa tuwing lalabas ng bahay.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive