Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Pres. Duterte nagbabala sa mga 'oportunistang' nanamantala sa gitna ng krisis


Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang State of the Nation Address (SONA), noong Lunes, (Hulyo 27), ang mga "oportunista" o iyong mga nanamantala sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa ngayong may pandemya.


Sa pagbanggit ng Pangulo sa Social Amelioration Program (SAP) ng gobyerno,  inamin niya na hindi maaayos ang implementasyon nito ngunit hindi raw ibig sabihin na makalulusot ang mga taong nanamantala sa paggawa ng masama sa kabila ng pandemya.

"Admittedly, our implementation of the social amelioration program was not perfect. And some opportunists turned crisis into opportunity. We will catch up with you sooner than you think,” sabi ni Pres. Duterte.

Bukod dito ay tinuligsa rin ng Pangulo ang mga walang pakundangang nangungurakot sa pondo para sa ayuda, nag-o-over pricing at mga sangkot sa transaksyon ng ilegal na droga sa bansa.

"The financial and material assistance of the government to the unemployed, the sick, and the destitute running into billions of pesos, are not spared from corruption and ineptitude. Even the donations from well-meaning private persons are skimmed before reaching their intended beneficiaries. It is like snatching food from the mouths of babes,” saad niya.

Ayon kay Pres. Duterte, kahit pa abala ngayon ang bansa sa paglaban sa krisis, sisiguraduhin niyang mahuhuli ang sinumang gumawa nga masama at nanamantala sa gitna ng pandemya.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive