Pres. Duterte nais na maisabatas muli ang death penalty gamit ang lethal injection
Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa kongreso na muling buhayin ang parusang death penalty sa Pilipinas bilang solusyon sa laganap na krimen sa bansa.
Sa ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pres. Duterte sa Batasang Pambansa sa Quezon City, Lunes (Hulyo 27), ay deretsahan niyang inihayag na nais niyang maipasabatas muli ang death penalty sa pamamagitan ng lethal injection upang mahinto ang transaksyon sa ilegal na droga sa bansa.
" I reiterate the swift passage of the law reviving the death penalty by lethal injection for crimes specified under the Comprehensive Dangerous (Drugs) Act of 2002," saad ng Pangulo.
Magbuhat noong manalo sa eleksyon noong 2016 si Pres. Duterte ay ikinakampanya na niya ang death penalty sa bansa upang masugpo ang mga krimen tulad ng illegal drugs, gun-for-hire syndicates, rape, robbery, theft at murder.
Samantala, binanggit din ng Pangulo ang mga problemang kinakaharap ngayon ng bansa gaya ng pandemya, pagsasara ng ABS-CBN, pension system, mga reklamo patungkol sa serbisyo ng mga telecommunications company at marami pang iba.
I support and agree
ReplyDeleteSobrang agree ako jan Mr. President...
ReplyDeleteMarami na namang drug users ang mamamatay kapag nagkataon, unahin dapat iyong mga murderers, kurap na opisyales
ReplyDeleteSana too na Yan maisabatas para mabawasan mga crimen sa bansa
ReplyDelete