Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Pres. Duterte pinayagan ang limited face-to-face classes sa low-risk areas


Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Department of Education (DepEd), na magkaroon ng limited face-to-face classes sa mga lugar sa bansa na maituturing na low-risk sa COVID-19.


Noong Lunes ng gabi (Hulyo 20) nang magkaroon ng pagpupulong sa pagitan ng Pangulo at miyembro ng COVID-19 task force. Dito ay inilahad din ni Education Secretary Leonor Briones ang advantage at disadvantage ng pagkakaroon ng face-to-face classes sa ilang mga lugar.

"I am with you on this...Let's try to make [inaudible] productive even how constricted the times are. Okay ako," tugon ni Pres. Duterte sa ideya ni Briones.

Ayon kay Briones, marami sa mga paaralan sa bansa ang nagre-request sa DepEd na magkaroon ng face-to-face classes, ngunit hindi ibig sabihin nito na papasok ang mga estudyante sa eskwelahan ng buong linggo.

Dagdag niya, magkakaroon naman ng mga standard health protocol upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral  na aniya, ay hindi naman lubos na naapektuhan ng pandemya.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive