Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Pres. Duterte uunahin ang mahihirap sa pamimigay ng COVID-19 vaccine


Magiging prayoridad  ang mga mahihirap na Pilipinong tumatanggap ng ayuda sa gobyerno sa oras na magkaroon ng bakuna para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.


Susundan ito ng mga middle-income citizens, militar, at pulis na ikinokonsiderang "backbone" ng kasulukuyang administrasyon, sabi ng Pangulo.

"Ang una talaga 'yung mga tao sa listahan na tumatanggap ng assistance sa gobyerno. Ngayon, pangalawa, 'yung middle income. Libre ito, hindi ko ito ipagbili," saad ni Pres. Duterte.

Para naman sa mga mayayaman na mamamayan ng bansa, ayon kay Pres. Duterte, kakailanganin nilang bilhin ang COVID-19 vaccine sa itinalagang halaga.

"'Yung mga mayaman, 'wag ninyo akong isipin, kasi hindi ako nag-iisip sa inyo... Kayo ang maka-afford...Yung mga upper income, bumili na lang kayo," sabi niya.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, aabot sa 20 milyong Pilipino ang kakayaning bigyan ng gobyerno ng libreng bakuna na inaasahang mailalabas sa Disyembre.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive