Quezon City Mayor Joy Belmonte ay positibo sa COVID-19, kinumpirma ito ng Quezon City government.
"Nais ko pong ipahayag sa lahat ng aking minamahal na QCitizens na ako po ay nag-positibo sa aking huling COVID-19 test," sabi ni Belmonte sa facebook page ng QC.
"Nais ko pong ipahayag sa lahat ng aking minamahal na QCitizens na ako po ay nag-positibo sa aking huling COVID-19 test," sabi ni Belmonte sa facebook page ng QC.
“Nagpapasalamat po ako na agad itong natuklasan,” dagdag ni Belmonte.
"Nangyari po ito sa kabila ng aking ibayong pag-iingat, pagsusuot ng facemask, madalas na paghugas ng kamay, at social distancing," ayon sa kanya.
"Kaya sana ay magsilbi itong paalala na ang COVID-19 ay tunay na isang kakaibang sakit na dapat pag-ingatan pa nang lubusan."
Ayon kay belmonte, agad agad na nagsimula ng contact tracing procedures ang QC Epidemiology and Surveillance Unit. Ang QC City Hall ay pansamantalang isasara para sa disinfection.
No comments:
Post a Comment