Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Roque nagdiwang dahil hindi umabot ng 40k ang COVID-19 cases noong Hunyo


Masayang ibinahagi ni Presidential Spokesman Harry Roque noong Martes (Hunyo 30), na hindi umabot sa 40,000 ang COVID-19 cases sa bansa gaya ng naging prediksyon ng mga eksperto mula sa University of the Philippines (UP).


Sa isang virtual briefing, sinabi ni Roque na panalo na ang Pilipinas dahil hindi nagkatotoo ang forecast ng UP experts na aabot ng 40,000 ang kaso ng sakit sa bansa sa katapusan ng Hunyo.

Ayon kay Roque bumababa ang fatality rate at bumabagal ang doubling rate at positivity rate ng Pilipinas pagdating sa COVID-19. Dagdag niya, 1,000 nalang ang testing backlog ng bansa at hindi 10,000 gaya ng naiulat.

Dahil 36,438 lang ang COVID-19 cases sa bansa noong Hunyo 29, kumpiyansa niyang sinabi na talo ang prediksyon ng UP.

“We did not hit 40,000 or we will not hit 40,000 by end of June which is only a few days which is what two days? One day? Today is the last day na pala! Ano bang sinasabi ko. Wala na po, panalo na tayo! We beat the UP prediction. Congratulations, Philippines! Let's do it again 
in July," sabi ni Roque habang itinataas ang kaniyang kamao sa ere.

Paglalahad ni Roque, hindi man perpekto ng gobyerno ng bansa, ginagawa naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat para protektahan ang kaniyang nasasakupan laban sa pandemya.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive