Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

South Korea, nag-donate ng P36.9M worth of medical supplies sa Pilipinas


Tumanggap ang Pilipinas ng libo-libong high-quality medical supplies na aabot sa halagang US$750,000 o P36.9 million, mula sa gobyerno ng South Korea bilang bahagi ng kanilang humanitarian assistance, Lunes (Hulyo 27).


Sa idinaos na turnover ceremony ng Embassy of the Republic of Korea in the Philippines at South Korean government,  60,000 units ng KF94 masks, pitong COVID-19 walk-through diagnostic booths, at 1,000 face shields ang naibigay sa bansa.

Bukod dito, naghatid din ang Korea Trade-Investment Promotion Agency (KOTRA)  sa Department of Health ng coronavirus disease (COVID-19) test kits mula sa SD BIOSENSOR.

Ang SD BIOSENSOR ay isa sa mga nangungunang kompanya sa South Korea pagdating sa advanced at innovative technology. Nagbigay ito sa bansa ng 5,000 units ng antigen test kits at 5,000 units ng antibody test kits, na aprubado ng Philippine Food and Drug Administration (FDA).

Ang lahat ng natanggap na donasyon ay bahagi ng KOTRA’s Global Corporate Social Responsibility (CSR) program na may layuning ipaabot ang tulong na nais ibigay ng Korean companies sa mga lokal.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive