Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Stranded OFW sa Saudi Arabia, nagbenta ng dugo sa halagang P6,600


Dahil gipit na gipit na ang mga stranded na Overseas Filipino worker (OFW) sa Saudi Arabia, naisipan ng mga ito na magbenta na lamang ng sariling dugo kapalit ng 500 riyal o mahigit 6,600 pesos.


Ayon sa report ni JP Soriano sa 24 Oras, isa si Ronnie sa mga 50 Filipino migrant na nagbebenta ng sariling dugo para lang may makain dahil tatlong buwan na silang stranded sa nasabing bansa.

Si Ronnie ay isa mga libo-libong OFW na nawalan ng trabaho. Dati siyang empleyado sa isang restawran na napilitang magsara mula pa noong Marso dulot ng COVID-19 pandemic.

"Kaya po kami napilitan magpakuha ng dugo dahil po alam naman po natin na wala na po kaming kakainin dito eh," saad ni Ronnie.

"Dumating na sa puntong na-stress na po kaming lahat. Mabilis po sa amin 'yon eh kasi pagpunta pa lang namin sa hospital, di po natin alam kung mahawahan pa kami ng COVID doon" dagdag pa ni Ronnie.

Pangako ng Department of Foreign Affairs at ng Overseas Workers Welfare Administration, tutulungan nilang makauwi  ang mga na-stranded na OFW sa loob ng dalawa o tatlong buwan.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive