Survey: 75% ng mga Pilipino sang-ayon sa ABS-CBN franchise renewal
Aabot sa 75 porsyento o tatlo sa bawat apat na Pilipino ang sumasang-ayon sa pagbibigay ng kongreso ng bagong prangkisa sa ABS-CBN, ayon sa isang survey na isinagawa ng Social Weather Stations National Mobile Phone Survey noong Hulyo 3 hanggang 6.
Sa kinalabasan ng pagsisiyasat, makikitang higit na marami ang sumasang-ayon sa franchise renewal ng naturang kumpanya pagdating sa Mindanao (80%), sinundan naman ito ng Visayas (77%), habang balanse naman ang bilang sa lugar ng Luzon at Metro Manila (69%).
Nasa 56 porsyento rin ng mga kalahok sa survey, ang nagsabing isang malaking banta sa malayang pamamahayag ang non-renewal of ABS-CBN franchise habang 27 porsyento naman ang naniniwalang wala itong epekto sa press freedom. Sa kabilang banda, walang desisyong napili ang natitirang 15 porsyento.
Samantala, nakita rin ng SWS, na 13 porsyento ang hindi pumapayag sa franchise renewal habang "undecided" naman ang 10 porsyento.
Ang SWS National Mobile Phone Survey ay isang probability-based survey na gumamit ng mobile phone at computer-assisted telephone interviews sa 1,555 Pilipino sa buong bansa.
let me guess sister company kayo ng rappler or bayaran ng abs cbn tsk tsk im si disappointed
ReplyDeleteFake news na naman yan wala na ba kayong kadala dala
ReplyDeleteFake news, nkita ko yung survey mas lamang ang hindi sang ayon na mabigyan ng renewal ang abs cbn..
ReplyDeleteMappasara b ang abs ung cla ang tama.e mayaman sila kaya mgbyad ng mdami abogado.meaning dmu cla nilabag sa batas.sayng tlaga.sana d cla nandaya.
ReplyDeleteBaka iyong 75% na sinasabi nyo nasa sementeryo na,isali nyo sa bilang ang ang mga galang aso at pusa para mas dumami.
ReplyDelete