Vlogger na si Buknoy tinawag na 'walang mararating' ang tricycle driver
Inuulan ngayon ng batikos ang youtuber na si Buknoy Glamur matapos gawing halimbawa ng mga taong walang pangarap at walang mararating sa buhay ang isang tricycle driver.
Sa isang video na ibinahagi ni Buknoy sa madla, pinaalalahanan niya ang mga kapwa niya bata na huwag basta-basta sukuan ang kanilang mga pangarap sa buhay. Aniya, kung hindi raw sila magsusumikap ay tiyak na wala silang mararating sa buhay katulad na lamang ng isang tricycle driver na itinuro niya at sinabihan pang kumaway sa kaniyang video.
Dahil sa paghahalimbawa na ito ni Buknoy, marami ang nasaktan at nagalit sa kaniyang pahayag lalo pa at isa namang marangal na trabaho ang pagiging isang tricycle driver.
"Kapag talaga sumisikat ang isang tao lumalaki ang ulo kung hindi rin naman sa mga followers niya wala naman siyang kinalalagyan ngayon, Wala siya sa trabahong maipagmamalaki niya," komento ng isang facebook user.
"Ang pagiging tricycle driver ay isang marangal na trabaho ang mahalaga ay walang natatapakang tao, Hindi ang tulad mo isang influencer ka pa naman," bulalas ng isa pang netizen.
Kamakailan ay humingi na si Buknoy ng paumahin ngunit giit ng nakararami, wala namang sinseridad ang paghingi ng tawad nito. Hindi rin daw public apology ang ginawa niya, kung hindi pagtatanggol sa kaniyang sarili.
Puro naman kau sabi ng ayuda,isang buwan na,hanggang ngayon,wala pa din,delay tactics.sbi d makakakuha,single ,lahat naman,damay sa pandemic na to,bakit kailangan,mamili ng bibigyan.sbi yong hindi nabigyan,ngayon mabbigyan na,pumunta ako,interview,sbi ko nagtitinda ako longanisa ,kasama ko ate ko,pamangkin ko at apo ko.ako household,d daw ako pwd.so,nganga na lang,napaka unfair dto sa las piƱas ng dswd at brgy.sa maynila,la na interview,lahat binibigyan.yon ang tama,mayor isko,mabuhay ka po.sana d na ako umalis ng maynila.
ReplyDelete