Walang COVID-19 vaccine para sa mga drug pusher: Pres. Duterte
Hindi maaaring bakunahan ang mga sangkot sa ilegal na droga sa bansa sa oras na magkaroon ng COVID-19 vaccine, utos ni Pangulong Rodrigo Duterte, Biyernes (Hulyo 31).
Ayon kay Pres. Duterte, sa halip na ibigay sa mga drug pusher at drug lord ang bakuna, ay ipamamahagi niya na lamang ito sa mga mahihirap.
"'Yun ang utos ko. 'Yan ang gusto ko. Hindi maganda? Hindi talaga maganda. Mga tao, hindi pala tao sila, tingin ko [sa] mga drug pusher, drug lord, aso. Tingin ko sa kanila... hindi ako magtulong sa inyo, sinisira niyo ang Pilipinas, pinapatay niyo ang tao," sabi ng Pangulo.
Una ng sinabi ni Pres. Duterte na magiging prayoridad ang mga mahihirap sunod ang mga militar at pulis sa mga bibigyan ng bakuna sa bansa.
Binanggit din niya na isa ang Pilipinas sa mga unang makatatanggap ng bakuna mula China. Sabi ng Pangulo, inaasahang magkakaroon na ng COVID-19 vaccine pagsapit ng Disyembre.
No comments:
Post a Comment