Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

300k na pamilya hindi pa rin naisasama ng DSWD sa listahan ng SAP


Malapit ng matapos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang distribusyon ng ayuda mula sa second tranche ng Social Amelioration Program ngunit pag-aamin ng ahensya marami pa ring pamilya ang hindi naisasama sa listahan ng mga benepisyaryo ng programa.


Ayon kay Social Welfare Secretary Rolando Bautista, nasa 300,000 na pamilya ang hindi pa naililista at nakatatangap ng cash assistance.

Sa kabilang banda, 119,411  SAC form naman ang hindi pa naiu-upload ng mga local government unit magbuhat noong Biyernes (Agosto 21) dahilan upang magkaroon ng pagka-delay sa pamamahagi ng ayuda ng DSWD.

"As of press time, some 119,411 SAC forms still need to be uploaded while 167,537 beneficiaries are for validation," saad ng DSWD sa isang pahayag.

Noong Huwebes, 13,147,805 na mula sa target na 14.1 million beneficiaries ang nakatanggap ng SAP subsidy habang 900,000 pamilya pa ang naghihintay sa ipinangakong ayuda ng gobyerno.
Share:

6 comments:

  1. Kailan Po Kya dto smen s marinig cabuyao laguna

    ReplyDelete
  2. Malapit na ang katapusan ng august bakit wala pa kahit isa dito sa barangay pio del pilar makati ang nabigyan ng 2nd tranche may aasahan pba kmi o wala na.

    ReplyDelete
  3. Kami po dito sa Taytay,Rizal Mula sa 1st and 2nd TRANCHE Wala kami nakuha sa SAP 3anak ko nawalan din kami ngtrabaho,

    ReplyDelete
  4. Dto po antipolo mayamot pinaasa lang po. Binigyan ng form nilgyan ng approved pero sabi ng brgy ang dswd daw po nag validate. .D po kmi naisama halos dto sa lugar namin.at kami po yumg mga waitlisted... nakapagtataka po bakit nakapasa yung wlang form.samantalang kmi my form d naisama..

    ReplyDelete
  5. AKO PO WALAPA PO NATANGGAP BKT YUNG IBA DOBLE PA PANUNAMAN PO KAME

    ReplyDelete
  6. Dito po sa bacolod city ind pa kme na bigyan nga 2nd tranch kailan po ba ang schedule namin na nagparegester sa relief agad sana na mn po ma ibigay na kasi pambili po namin yan ng bigas kasi balik na mn kme sa lockdown marami kasing positive dito sana na mn dswd di maibahagi na iyong iba tapos na pero kme na pa regester sa relief agad hanggang ngayon wala pa balita mabibigyan pa ba kme or hindi

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive