50% ng mga Pinoy naniniwalang mapanganib maging kritikal sa Duterte admin: SWS survey
Kalahati ng mga Pilipino ang naniniwalang mapanganib magsalita ng kritikal patungkol sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa resulta ng Social Weather Stations mobile poll na inilabas noong Biyernes (Agosto 7).
Limampu't isang porsyento ng mga Filipino adult na lumahok sa survey ang sumang-ayon sa pahayag na "it is dangerous to print or broadcast anything critical of the administration, even if it is the truth," sabi ng SWS, katumbas ito ng +21 net agreement score.
Sa kabilang banda, 30 percent ang mga hindi sumang-ayon habang 18 percent naman ang walang desisyon.
Ayon sa SWS, ang net agreement ngayong taon na nagsasabing mapanganib mag-ulat ng kritikal sa administrasyong Duterte ay mas mababa ng 10 puntos kung ihahalintulad ang +21 sa +31 noong June 2019.
Ang survey ay isinagawa noong Hulyo 3 hanggang 6 gamit ang mobile phone at computer-assisted telephone interviewing ng 1,555 na Pilipino sa buong bansa.
No comments:
Post a Comment