Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

5,096 medical frontliners sa Pilipinas ang infected ng COVID-19: DOH


Sumampa na sa 5,096 noong Agosto 2, ang bilang ng mga health worker sa Pilipinas na tinamaan ng COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).


Base sa tala ng ahensya,  405 medical frontliner ang kasalukuyang nakikipaglaban pa sa sakit, katumbas ito ng eight percent ng kabuuang bilang ng mga nahawa ng virus sa health sector.

Sa kabilang banda, aabot naman sa 4,652 o 91.3 percent ng mga infected health worker ang gumaling na, habang 39 o 0.8 percent ang nasawi.

Kabilang sa mga tinamaan ng COVID-19 ang 1,734 na nurse, 1,100 na doktor, 338  nursing assistant, 210 na medical technologist, 119 na radiologic technologists, 92 midwives, 43 respiratory therapists, at 41 pharmacists.

Dahil dito maraming medical groups ang umaalma na at humihingi ng mas striktong implementasyon ng quarantine measures upang mas makapaghanda ang mga ospital sa mas lumolobong kaso ng sakit sa bansa.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive