77% ng 11.5 milyong benepisyaryo ng SAP, nakatanggap na ng ayuda: DSWD
Nasa 8.979 milyong pamilya pa lamang o 77 percent ng 11.5 milyong benepisyaryo ang nakatanggap ng ayuda mula sa second tranche ng Social Amelioration Program (SAP), ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Lunes.
Noong katapusan pa sana ng Mayo ang nakatakdang petsa sa pagtatapos ng distribusyon ng ayuda ngunit dahil sa mga hindi inaasahang problema, nagkaroon ng delay sa pamamahagi ng cash aid.
Bunsod nito ay humingi ng palugit ang DSWD at nangakong tatapusin ang 80 porsyento ng pamamahagi ng financial assistance sa katapusan ng Hulyo.
Samantala, nilinaw naman ni DSWD spokesperson Irene Dumlao na ang aktuwal na layunin ng ahensya ay tapusin ang SAP payout sa ilang lugar sa kalagitnaan ng Agosto.
“As we have earlier communicated, we aim to meet 80% accomplishment by July 31. But in some areas, our goal is to complete payout by the middle of August,” sabi ni Dumlao.
Ang SAP ay isang programa sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act of 2020 na layong makapagbigay ng tulong pinansiyal sa 18 milyong pamilya na lubos na naapektuhan ng enhanced community quarantine sa bansa dala ng pandemya.
Quezon City Commonwealth Riverside Joan roa 09158484904 sna Isa po aq sa matulungan need q po talaga para sa mga anak q na naiwan sa masbate at sa mama q po subrang hirap po sa probinsya single mom po aq sna matulungan nyo po aq🙏🙏🙏
ReplyDeleteSana ako rin, informal worker ako bilang salesman, but since lockdown, hindi ako nakakalabas. My number is 09387185755
ReplyDeleteTanong ko lang hindi po ako nakatanggap nong unang ayuda last week lang ako nakatanggap 8k ang sabi 16k ang mttanggap ng mga di nakatanggap nong una
ReplyDeletesana ako po ay wala po ako nkkuha pa hirap npo kmi wala po kmi bigas nag lulugaw nlng po kmi may bata at matanda pa po kwawa naman po nag lalabada po ako.pra may mkain sana po
ReplyDeleteako po si leonora labatete 09100883864 at may apo po ako maliit kwawa wala gatas
ReplyDelete