Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

8 OFW sa Hong Kong, nagmulta dahil hindi sumunod sa social distancing


Walong overseas Filipino workers sa Hong Kong ang pinagmulta matapos umanong  hindi sumunod sa social distancing protocol sa Central District noong Agosto 9.


Ayon sa ulat, nagbayad ang mga OFW ng 2,000 Hong Kong dollars o halos P13,000 bilang multa.

Samantala, giit naman ng lider ng isang OFW group sa bansa, ang ginawang pagmumulta sa mga violator ay hindi tamang aksyon para labanan ang virus.

Dagdag pa niya, sinusulit lamang ng mga OFW ang kanilang panahon upang makapagpahinga lalo pa at hindi sila pinapayagang lumabas ng kanilang employer mula Lunes hanggang Sabado.

Maging sa Pilipinas ay ipinapatupad din ang social distancing upang maiwasan ang pagkalat ng virus ngunit marami pa rin ang nahuhuli ng pulisya na hindi sumusunod sa ordinansa.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive