81k 'waitlisted' sa Eastern Visayas, makatatanggap ng SAP aid
Aabot sa 81,003 ang kabuuang bilang ng mga naidagdag na pamilya sa listahan ng mga benepisyaryo ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP) sa Eastern Visayas, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Biyernes (Hulyo 31).
Sa isang press statement, sinabi ni DSWD 8 (Eastern Visayas) Director Marie Angela Gopalan na ang mga napasama sa 'waitlisted' ay galing sa 129 local government units (LGU) ng rehiyon na nagpasa ng listahan ng mga kwalipikadong pamilya na hindi nakatanggap ng ayuda sa unang tranche ng SAP.
Sa naturang bilang ng mga waitlisted, 38,420 pamilya ang galing sa Leyte, 16,393 sa Samar, 14,652 sa Northern Samar, 5,310 sa Eastern Samar, 4,663 sa Southern Leyte, at 1,565 sa Biliran.
“We expect more beneficiaries to receive the emergency subsidy in the next days, especially that the DSWD continues to conduct direct cash payout and we are also preparing for the implementation of the digital payment scheme,” sabi ni Gopalan.
Noong Hulyo 29, nakapagpamahagi na ang regional office ng PHP12,145,000 para sa 2,429 na pamilyang kabilang sa listahan. Ayon kay Gopalan, bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng P5,000 ayuda mula sa programa.
Dto s brgy Rosario Pasig Wala p po Yung 2nd pay out namin s SAP!!!
ReplyDelete