Bata, patay matapos maputol ang COVID-19 swab stick sa loob ng ilong
Nasawi ang isang taong gulang na Arabo matapos aksidenteng maputol ang swab stick sa loob ng kaniyang ilong habang siya ay sumasailalim sa COVID-19 swab test.
Unang dinala ang bata sa Shaqra General Hospital bunsod ng lagnat ngunit ayon sa doktor, malusog naman ito. Dito na nila napagdesisyunan na ipa-test sa COVID-19 ang musmos sa pamamagitan ng nasal swab.
Habang isinasagawa ang test, biglang nalang naputol ang swab stick sa loob ng ilong ng bata at kinailangan pang operahan para matanggal ito.
Habang nagpapagaling sa hospital ang bata, napansin ng mga bantay nito na hindi na siya humihinga. Nagsagawa ng CPR at naglagay din ng mechanical ventilation ang mga medical staff ngunit bigo silang maisalba ang buhay ng pasyente.
Sa x-ray result ng bata, napag-alaman na nagbara pala ang daluyan ng hangin nito sa isa sa kaniyang mga baga, na naging sanhi ng kaniyang pagkamatay.
No comments:
Post a Comment