Home »
TRAVEL
» China, nire-require na ang mga byahero galing Pinas na magpakita ng negative COVID-19 result
China, nire-require na ang mga byahero galing Pinas na magpakita ng negative COVID-19 result
Kakailanganin ng magpakita ng negative COVID-19 result ang mga byaherong manggagaling sa Pilipinas bago makapasok sa China simula Agosto 20.
Kalagitnaan pa ng Hunyo nang ianunsyo ng China ang bago nitong patakaran ngunit nito lamang Martes (Agosto 11), inilabas ng Chinese Embassy in Manila ang guidelines para rito.
Ang mga Chinese at iba pang foreign travelers na manggagaling sa Pilipinas ay kailangan munang magkaroon ng negative test certificate pagkatapos nilang sumailalim sa COVID-19 nucleic acid test, limang araw bago ang kanilang flight papuntang China.
Pagkatapos nito, kailangang i-e-mail ang certificate maging ang health declaration form at photocopy ng front page ng passport sa Chinese embassy o consulates.
Ise-send naman pabalik pagkatapos ng isang araw ng embassy o ng consulates ang certified health declaration form na dapat ipakita sa mga airlines authorities sa oras mag-check-in na ang byahero.
Samantala, paalala ng China, tanging iyong may mga mga mayroong economic, trade, scientific, o technological activity at emergency humanitarian needs lamang ang papayagang pumasok ng bansa.
No comments:
Post a Comment