Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Chinese na nagdo-doktor-doktoran sa Pilipinas, arestado


Arestado sa  entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Lapu-lapu City ang isang Chinese national na ilegal na nanggagamot sa bansa.


Kinilala ni NBI Officer-In-Charge Eric Distor ang nahuling Tsino bilang si Ke Liangpeng na una ng naaresto noong Hulyo 24 sa isang makeshift clinic sa Teakwood Subdivision in Barangay Soong, Lapu-Lapu City.

Agad na ginawa ang pag-aresto matapos makatanggap ng marked money ang NBI poseur-buyer na bumili kay Ke ng antibiotic na  hindi naman nakarehistro sa Food and Drugs Authority (FDA).

Nadiskubre rin ng NBI agent ang limpak-limpak na Chinese medicines na nagkakahalaga ng P10 milyon. Inilarawan ang mga gamot na ito bilang   “unregistered, mislabelled and unbranded.”

Kasalukuyang iniimbestigahan ngayon si Ke sa Lapu-Lapu City Prosecutor’s Office kaugnay ng paglabag sa Food, Drugs and Cosmetics Act (Republic Act 9711), Philippine Pharmacy Act  ( R.A. 10918) at Medical Act (R.A. 4224).

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive