COVID-19 cases sa Pinas, maaaring umabot ng 150k sa katapusan ng Agosto: UP experts
Maaaring umabot sa 150,000 ang kabuuang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas sa katapusan ng Agosto, ayon sa mga eksperto ng University of the Philippines (UP), Biyernes (Hulyo 31).
Ang prediksyon na ito na halos doble na ng kasalukuyang bilang ng mga kaso ng sakit sa bansa, ay base sa "exponential growth" na pinag-aralan ng mga eksperto, sabi ni Professor Ranjit Rye ng UP OCTA research team sa isang panayam sa Dobol B sa News TV.
Ayon sa grupo ng mga eksperto, maaaring maging limitado sa 3,000 ang bilang ng mga namamatay pagtuntong ng Agosto 31, kung sakaling magpapatuloy ang gobyerno sa pagpapatupad ng strikto at epektibong COVID-19 protocols.
Dagdag pa nila, ang implementasyon ng general community quarantine (GCQ) sa bansa ay pwedeng pang magdagdag ng 20,000 kaso o higit pa.
Saad ni Rye, inirekomenda na ng research team kay Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 30, na muling ilagay sa modified enhanced community quarantine ang Metro Manila o panatilihin ang GCQ na may kasamang enhanced localized lockdowns at pinabuting testing, tracing, at isolation.
No comments:
Post a Comment